Ang mga
Bata at ang Kanilang Kaligtasan
Nilikha ni
Dr. Bill Johnson
Isinalin ni
Jeremiah Abay
Panimula
Maraming mga
magulang, kahit mismong mga matatapat na Kristiyano, ay
natataranta pa rin kapag nahaharap sa mga katanungan ng
isang bata tungkol sa kaligtasan. Ang ilang mga pastor
ay mukhang naniniwala na ang mga bata, kahit na ligtas
sa biyaya ng Diyos, ay walang espirituwal na kakayahang
makipag-ugnayan sa Diyos. Naniniwala ang iba na ang bata
bago umabot sa "edad ng pananagutan" ay parang
magkatulad ng estado ni Adam bago ito mahulog sa
kasalanan. Sinasabi rin ng iba na ang isang bata ay
maaaring manalangin, ngunit hindi didinggin ng Dios ang
panalanging iyon maliban kung ito ay isang panalangin na
humihingi para sa kaligtasan.
Ang
artikulong ito ay inilaan upang magbigay ng impormasyon
tungkol sa mga bata at kaligtasan at nag-aalok ng mga
mungkahi para sa mga magulang, mga pastor at mga guro ng
Sunday School
na nakikipag-ugnayan sa mga bata.
BAGO ANG
PANAHON NG PANANAGUTAN:
Ano ang
mahalagang gawin?
Ito'y
karaniwang pinaniniwalaan na may isang panahon sa buhay
na kung saan hindi paratangan ng Diyos ang isang tao na
managot para sa kanyang kasalanan. Sa likod nito tila
may iba't ibang uri ng mga opinyon. Ang mga bata ay
dapat tinuturuan ng Biblia sa tahanan at sa iglesia. Ang
mga bata ay maaaring matuto ng maraming bagay tungkol sa
Dios.
Ang ating mga
kabataan ngayon ay namulat na sa mga panteorya na ideya
sa maagang edad. Bagaman maraming mga bata ang gumawa ng
propesyon ng kaligtasan at nagpabautismo sa kanilang
maagang edad, karamihan sa kanila paglipas ng kamusmusan
ang napapaisip at nagsasabi na ang kanilang totoong
karanasan ng kaligtasan ay nagaganap nang sila'y nasa
tamang edad o katandaan sa buhay. Ito ay naghahatid ng
mga katanungan para sa mga naglilingkod sa mga kabataan.
MAS
MARAMING KATANUNGAN KAYSA KASAGUTAN
Mayroong
maraming mga katanungan tungkol sa espirituwal na
katayuan ng mga napakabata kaysa mga kasagutan. Ang
isang bata ba'y may kakayahang makipag-ugnayan sa Dios?
Ano ang mangyayari kapag ang isang bata ay manalangin?
Maaari ba na ang isang batang wala pa sa edad ng
pananagutan ay makakapagluwalhati sa Dios, kahit hindi
siya miyembro ng iglesia? Kaya ba ng isang bata
matutunan ang tungkol sa anumang espirituwal na bagay?
Kung ganun, ano lang ba talaga ang maaaring matutunan ng
isang bata tungkol sa Dios?
Ang lahat na
ito ay mga mahalagang katanungan sa totoong
nagmamalasakit na magulang, pastor at guro ng Sunday
School. Kung ang isang bata ay maaaring lumago sa
"kaalaman" lamang, ang pagkakaroon ng pagsasaulo ng
Kasulatan at pangalan ng mga tao at lugar na nasa Biblia
ay ang mga pinaka-mahalagang mga bagay na kasama sa
pagtuturo ng mga bata. Kung ang mga bata ay may
espirituwal na buhay sila ay maaaring matuto sa mga
espirituwal na paksa tulad ng pagibig, kagandahang loob,
pagtitiis at iba pang mga bagay na nauukol nito.
Ang mga
“ligtas” na bata ay may “inosenteng” buhay
Sa kanyang
Word Pictures
sa Bagong Tipan, si Dr. A.T. Robertson ay nagsasabi na
ang pahayag ni Pablo na, " At nang isang panahon ako'y
nabubuhay na walang kautusan. . .," ay "tila, ang
nawalang paraiso ng kamusmusan ng mga tao bago nagising
sa konsensiya at dumating sa moral na
responsibilidad...." tinawag ni Robertson ito na isang
"inosenteng buhay”
(seeming life). Ang ideya ay bago pa man sa
paggising ng kanyang konsensiya, may panahon sa buhay ni
Pablo na naranasan niya na parang meron siyang ganap na
pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ang kanyang likas na
kasalanan ay naroon, marahil ito'y hindi pinansin ng
Diyos dahil sa Kanyang biyaya at dahil sa kamangmangan
ni Pablo tungkol sa kautusan. Nang umabot na si Pablo sa
panahon kung saan siya ay maaaring makaunawa sa kanyang
responsibilidad base sa Kautusan ng Diyos, nabuhay ang
kasalanan at siya'y namatay o nahiwalay mula sa Diyos.
Ang panahon
sa unang bahagi ng pagkabata bago lumago ang isang tao
patungo sa panahon ng pag-unawa ng kanyang
responsibilidad ayon sa Kautusan ng Diyos, ang panahon
ng "inosenteng buhay",(seeming
life) ay tinukoy ng karamihang Missionary Baptists
bilang "ligtas" na panahon
(safe life).
Hayaang
magsilapit sa Akin ang mga bata
"Pabayaan
ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang
pagbawalan ...," sabi ni Jesus," para sa mga ganito ang
kaharian ng langit. "Iyon ay upang sabihin," Hayaan ang
mga bata na magsilapit sa Akin." Kaya, alam natin na
mahal ni Cristo at kinikilala ang mga bata.
Totoong tao ang
mga bata, maliit man sila pero sila'y mga tao rin. Kung
sila'y mga totoong tao at kinikilala sila ni Jesus,
dapat ganun din tayo. Kung si Jesus ay Diyos at kung
sinuway Niya ang kanyang mga alagad dahil sa tangkang
pagpigil sa mga bata na makalapit sa Kanya, ibig sabihin
nais ng Diyos na magsilapit ang mga bata sa Kanya. Kung
nais ng Diyos na magsilapit sila sa Kanya, ito'y
nangangahulugan na may mga paraan na kung saan Siya ay
maluwalhati sa kanilang paglapit. Nakikipag-ugnayan ang
Diyos sa mga bata. Maaaring matutunan ng mga bata ang
mga espirituwal na bagay. Kaya, ilapit sila kay Jesus!
Ang
pagiging ehemplo ng mga magulang
Ang mga bata
ay natututo mula sa mga karanasan. Ang mga karanasang
nakamit sa pamamagitan ng pakikitungo sa mga magulang ay
makabuluhan sa buhay ng bawat bata. Ang unang karanasan
ng pagmamahal ay ang pagmamahal ng mga magulang. Ang
paggalang, pagmamalasakit, katapatan, at marami pang
ibang mga katangian ay unang natutunan mula sa mga
magulang.
Agad matutunan
at makilala ng mga bata sa pagkakaiba ng katapatan at
pagkukunwari. Mahalaga para sa mga magulang na maging
Kristiyano sa lahat ng oras. Ang magulang na regular na
dumadalo sa iglesia ngunit hindi isinasabuhay ang mga
alituntunin ng Kristiyanismo ay magiging isang
negatibong impluwensya sa mga anak pagdating ng araw.
Mahalaga para sa
mga bata na tinuturuan sila ng mga magulang. Dapat
babasahin ng mga magulang ang Biblia sa kanilang mga
anak. Mayroong maraming mga pambatang aklat na magagamit
para sa mga bata. Makatutulong din ang mga magulang sa
kanilang mga anak sa pagsasaulo ng mga bersikulo. Ang
pagiging ehemplo ng mga magulang ay makatutulong sa
paghanda ng isang bata upang sa mga panahon na siya ay
nahaharap sa isang pagpipilian sa pagitan ni Kristo
bilang Tagapagligtas at ang mundo, alam niya kung anong
klaseng pamumuhay ang pipiliin.
Kailangang
tama ang mga matutunan
Mahirap gawin
ang pagsisisi. Hindi madaling pahintuin ang isang tren
kapag ito'y tumatakbo na. Tulad lamang ng mga karaniwang
gumagalaw na mga bagay ay madalas lumalakbay sa isang
diretsong direksyon, anumang pagbabago sa direksyon ay
sadyang mahirap lalo na kung babaguhin ang kaisipan ng
tao kapag ang isang kamalian ay nakatanim na doon.
Kapag
nagtuturo tungkol sa pag-ibig ng Diyos, poot at
kahatulan, mahalagang magpakita nang higit pa sa isang
aspeto. Kung ang bata ay natututo lamang ng pagmamahal,
maging mahirap sa kanya na unawain bakit nagutos ang
Diyos para gibain ang mga Cananeo.
Isa sa mga
pinakamahusay na paraan para sa mga magulang o guro na
maturuan ang mga napakabata tungkol sa Dios ay ang
pagpapakita ng Kristiyanong pag-uugali.
Dapat
magkaroon ng pananampalataya sa Diyos ang mga magulang
Pumarito si
Jesus upang tawagin ang mga makasalanan sa pagsisisi.
Nangako Siyang palalapitin ang lahat ng tao sa Kanya at
wala kahit isa ang hindi papansinin. Mahirap unawain
kung paano gumagana ang biyaya ng Diyos, ngunit ito ay
tunay na kumikilos.
Dapat maging
mapagbigay ang mga magulang ng oras para makausap ng
pastor ang kanilang mga anak. Maraming beses na ito
nangyari na minamadali ng mga magulang ang paguusap ng
kanilang anak at ng pastor. Ang mga nababalisang
magulang ay nagmamadali na tanggapin ng kanyang bata ang
lahat ng mga sinasabi ng pastor. Ngunit hinihikayat ang
isang pastor na makipag-usap nang masinsinan sa mga
bata. Maraming beses naiintindihan ng bata ang
nababalisang saloobin ng kanyang magulang, gustong itaas
ang sarili, at sasabihing ano man ang alam niya ay iyon
ang tama. Mali ang maging resulta nito. May iba na hindi
naman pipansinin ang mga bata. "Dapat mayroon ka munang
isang tunay na emosyonal na karanasan!" sabi nila. Ang
mga magulang, lider ng kabataan at kung minsan ang
pastor ay hindi na isaalang-alang nang maayos ang mga
iba't ibang emosyonal na pagkatao ng isang indibidwal.
May mga batang naligtas ngunit hindi binigyang pansin.
Maging maayos ang lahat kung lagi nating tatandaan na
hindi natin kayang hatulan nang sapat at ipahayag na ang
isang tao ay "ligtas na." Dapat nasa sapat na edad na
ang bata upang maunawaan kung paano maligtas. Ngunit
tayo ay dapat maging abala sa pagtuturo ng katotohanan
at umaasa sa Espiritu ng Diyos na kikilos sa bawat puso
ng bata upang bigyan sila ng kasiguruhan ng kaligtasan.
Dapat
magkaroon ng tiwala sa Diyos ang mga magulang. Hindi
dapat minamadali ang Espiritu. Bigyan ng sapat na
panahon ang bata. Panatilihin ng Diyos na siya'y ligtas
hanggang sa pagkakataong darating ang kaligtasan.
ANG EDAD O
PANAHON NG PANANAGUTAN:
Ano ito?
Ang mga
Kristiyano, lalo na ang mga Baptists, sa nakalipas na
mga taon ito'y kadalasang naging usapin, ang "edad ng
pananagutan." Ito ay isang nakalilito at nakakaintrigang
tanong sa karamihan. Ito ay nagdulot ng maraming oras ng
pagdidiskusyon.
Ang katagang
edad ng pananagutan ay nangangahulugan ng " iyong
panahon kapag ang isang nilalang ay dumating sa kaisipan
na siya'y nangangailangan ng Cristo bilang
Tagapagligtas." Ang bawat bata ay protektado ng biyaya
ng Diyos mula sa paglilihi hanggang maabot ang puntong
ito sa buhay.
Walang tiyak
na edad ang maaaring itakda para sa panahong ito.
Pagtuturo, karanasan, kapanahunan, mentalidad at
pakikinig sa ebanghelyo ang tumutulong upang matukoy ang
panahon kung saan ang isang nilalang ay magiging
responsable sa Diyos para sa kanyang kasalanan at likas
na kasalanan. Ito ay dapat mabigyan ng kaliwanagan na
imposible para sa isang tao ang maligtas
hanggat hindi
niya alam na siya'y nawawala. Pumarito ang Diyos
sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan.
Sa
ikadalawampung siglo, ang pagbabahagi ng Ebanghelyo sa
madla, sa mga bata at mga katulad na programa ay
nagdadagdag sa presyon ng mga bata na maligtas. Ang mga
programang ito ay may maraming mga magagandang puntos at
layunin. Ang pagbahagi ng Ebanghelyo (pangangaral at
pagtuturo ng mensahe ng kaligtasan) ay mahalaga.
Gayunman, hindi dapat magkaroon ng impresyon ang bata na
sa simpleng pagtitiwala ang siyang lahat na kailangan
para sa kaligtasan. Ang matibay na paniniwala na sila ay
makasalanan- ay dapat mabigyang pagpapahalaga kaysa
patitiwala.
Maraming mga
bata na gumawa ng propesyon ng pananampalataya ngunit
kinabukasa'y magsasabing siya'y hindi pa pala ligtas.
Ang mga propesyon ng pananampalataya ay ginawa sa
panahon ng isang "edad ng pagkatakot" hindi sa edad ng
pananagutan.
Natatakot
ang mga bata sa mga madidilim na lugar. Sila ay
natatakot na mag-isa. Mauunawaan nila ang mga mensahe
tungkol sa impiyerno at hindi nila gustong pumunta doon.
Gayunman, ang pagiging takot sa impiyerno ay hindi
nangangahulugang nasa "punto ng pananagutan" ang isang
bata. Ang isang bata ay hindi mananagot hangga't
malalaman niya paano siya naging makasalanan at bakit
kailangan niya ang kaligtasan.
May iilang
mga kadahilanan bakit gumagawa ng propesyon ng
pananampalataya ang mga bata kahit sila ay wala pa sa
panahon ng pananagutan para sa kanilang mga kasalanan.
(1) Pagkabalisa
ng magulang. Ang mga magulang ay maayos na naglalayon at
nagnanais na masigurado na kapag ang kanilang mga anak
ay aabot na sa panahon ng pananagutan pinipilit nila na
tanggapin ng bata ang Panginoon bilang kanilang sariling
Tagapagligtas.
May mga
panahon na ang mga magulang ay nagkakamali at akala nila
na ang "edad ng pagkatakot" ay ang panahon ng
pananagutan. Ang resulta, hinihikayat nila na paniwalaan
ng kanilang mga anak na ito'y tamang panahon upang
umaksyon at tanggapin ang Panginoon.
(2) Dahil sa
ibang bata. Ang mga bata na gumawa ng propesyon ng
pananampalataya madalas nagbabahagi sa iba pang mga bata
na hindi pa nakagawa nito. Kapag ang isang kaibigan ay
naglalagak ng kanyang buhay sa Panginoon, maaaring
kopyahin ito ng bata. Kailangan pangalagaan nang maayos
at isama sa dalangin ang mga kabataan.
(3)
Pagka-akit sa mga seremonya ng iglesia. Ang
mabautismuhan at makasali sa Banal na Hapunan ay
maaaring isa sa umaakit ng mga kabataan na magdesisyon
na tanggapin ang kaligtasan. Dahil ang mga seremonyang
ito ay nakikita at nakalakihan nila, nararamdaman nila
na handa na silang gawin ang mga ito kahit hindi matibay
ang kanilang paniniwala na sila'y isang makasalanan.
(4) Pagnanais
para tanggapin. Maraming mga bata ang may pakiramdam na
ang mga pagkakataon para magkaroon ng espesyal na pabor
ay makakamtan sa pamamagitan ng paggawa ng isang
propesyon ng pananampalataya. Ang isang pakiramdam tulad
nito ay maaaring mapagkamalang isang matibay na
paniniwala.
(5)
Paniniwala na ito'y tamang gawin. Maraming mga bata ang
lumaki sa maayos na tahanan at simbahan ang naniniwala
na ang paggawa ng isang maagang propesyon ng
pananampalataya ay ang tamang bagay na gawin. Ito ay
tama kung ang bata ay ganap niyang nauunawaan na siya ay
isang makasalanan. Kung siya ay hindi pa nakakaintindi
na siya ay isang makasalanan, ito ay isang kamalian.
Ang magtiwala
sa Tagapagligtas ay isang gawain ng "puso." Ang
"kaalaman sa utak" ay hindi sapat. Hindi natin alam kung
kailan magaganap ang panahon ng pananagutan sa buhay ng
isang bata, kaya dapat turuan sila ng kanilang mga
magulang at guro upang alam nila kung ano ang gagawin at
paano tumugon kapag dumating na ang panahong iyon.
PARA SA
KALIGTASAN NG BATA:
Ano ang kinakailangan?
Upang masagot
ang katanungan kung ano ang kinakailangang gawin para sa
kaligtasan ng isang bata, dapat matukoy muna kung
hanggang saan maaaring maunawaan ng isang bata ang mga
espirituwal na bagay. Kapag nagampanan na ito, dapat
matukoy din natin kung ano ang kinakailangan gawin para
sa kaligtasan ng lahat.
Tanging
Isang Daan
Una, ating
patatagin nang may kasiguruhan na may iisang paraan lang
para sa kaligtasan. Maliligtas ang mga bata ngayon sa
pamamagitan ng magkaparehong paraan ng kaligtasan noong
mga araw ng Lumang Tipan. Maliligtas ang mga matatanda
ngayon sa parehong paraan na sila ay naligtas sa mga
araw ng Lumang Tipan. Mga bata at matatanda ay
maliligtas sa parehong paraan. Dinisenyo ng Diyos at
naisakatuparan ang Kanyang plano ng kaligtasan para sa
kapakanan ng sangkatauhan. Ang kaligtasan ng isang
indibidwal ay nakasalalay sa desisyon ng isang
indibidwal. Ang paraan upang maligtas ay ang gumawa ng
kusang pagdesisyon na tumalikod mula sa mga pagkakasala
ng tao tungo sa katuwiran ni Cristo. Titingnan natin ito
nang masinsinan sa susunod na kabanata.
Maaari bang
maintindihan ng bata ang mga espiritwal na bagay?
Mula sa
kapanganakan, ang mga bata ay lumalago sa espirituwal,
utak at pisikal. Ayon sa Taga Roma 7:9, ang isang bata
ay mayroong "inosenteng" buhay bago niya marating ang
panahon ng pananagutan. Siya ay ipinanganak na may
espiritu na siyang paraan upang makipag-ugnayan sa Diyos
ang bata, kung wala, ay hindi maliligtas ng Diyos ang
bata sa mga panahon ng kanyang paglago tungo sa edad ng
pananagutan.
Ang isang
lumalaking bata ay maaaring tumugon sa maraming
insentibong espirituwal. Siya ay unang tutugon sa
pagmamahal ng kanyang ina. Kung ang Diyos ay pag-ibig,
at ang pag-ibig ay Diyos, kaya ang pagtugon sa
pagmamahal ay isang pagtugon sa Diyos. Ngunit mauunawaan
ba ng bata nang sapat ang tungkol sa Diyos upang
maligtas? Hindi,
siya ay hindi nakakaintindi nang sapat na siya'y hindi
pa ligtas.
Dahil hindi
pa siya maaaring makaintindi nang sapat tungkol sa mga
espirituwal na bagay at tanggapin ang daan ng
kaligtasan, ang pagsasaulo ng mga salita at talata mula
sa Biblia ay napakahalaga. At dahil maaaring tutugon ang
isang bata sa ilang mga espirituwal na bagay, dapat
sisikapin natin na maturuan ang mga bata nang higit pa
sa pagsasaulo ng mga bersikulo.
Habang ang
bata ay lumalago sa espirituwal at kaisipan, siya ay
magkakaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa
kaligtasan upang maligtas pagdating ng tamang panahon.
Ano ang
kinakailangan para sa kaligtasan ng isang tao?
Ang
kontribusyon ng tao sa kaligtasan ay binubuo ng
pagsisisi at pananampalataya. Ang pagsisisi at
pananampalataya ay dapat maisadiwa mula sa ulo, puso at
mga kamay. Dapat ang tao ay may "kaalaman," dapat
maniniwala siya sa kanyang puso, at ipapakita ang
kaligtasan sa kanyang buhay.
Ngunit ano ba
ang dapat alamin ng isang tao? At ano ang dapat niyang
paniwalaan? At anong klaseng puso ang kailangan para sa
pananalig? At ano ang ibig sabihin ng pagsisisi?
Simulan natin
sa ating huling katanungan at ito'y tungkol sa
pagsisisi. Ang pagsisisi ay nangangahulugan ng
"pagbabalik-loob at lumakad sa tamang daan." Kapag ang
isang tao ay ligtas na (isang tao na namumuhay sa
kasalanan ng maraming taon), ang kanyang buhay ay dapat
magkaroon ng isang natatangi at panatag na
pagbabalik-loob sa Dios. Bagaman ang isang bata ay may
taglay na likas na magkasala at magrebelde, ang kanyang
maagang buhay ay maaaring nakatuon pa kay Kristo. Kung
ang batang ito ay naligtas pagkatapos marating ang edad
ng pananagutan, siya'y dapat makaramdam ng kalungkutan
sa kanyang likas na kasalanan, subalit ang aktwal na
pagbabalik-loob ng kanyang buhay ay maaaring hindi
masyadong mahirap. Kung saan nanagana ang kasalanan, ay
nanaganang lubha ang biyaya.
Sa tanong na
kung ano ang dapat paniniwalaan, kailangan lamang na
saliksikin ang Kasulatan. Ang pag-aaral sa Gawa 2:
14-36; 3:12-26; 4:8-12; 5:30-32 at 10:36-43 naghahayag
ng limang mahalagang katotohanan tungkol sa mensahe ng
ebanghelyo. Inilahad ang limang bagay na ito sa libro ni
William L. Hendricks, Ang Teolohiya para sa mga Bata
(A Theology for
Children), ayon sa sumusunod: "(1) Si Jesus ay
nagmula sa Diyos, ang Diyos ng Israel na lumikha ng
langit at lupa. (2) Pinatay si Cristo ng mga tao. Ang
ideya ay pinaigting pa upang maipakita na ang lahat ng
sangkatauhan bilang makasalanan ay responsable para sa
kamatayan ni Cristo. (3) Subalit, ang kamatayan ni
Cristo ay nakaayon sa plano ng Diyos. Ginampanan ng
Diyos mismo sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo upang
dalhin ang tao sa Kanya. (4) Si Cristo ay muling
binuhay. Ang Diyos na nasa katawan ni Kristo ay
pinagtagumpayan kahit ang pinakamasamang kaaway ng tao,
ang kamatayan. (5) Ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay
nagpadala ng Espiritu Santo upang maging saksi kung ano
ang ginawa ni Cristo para sa tao."
Si Pablo, sa
Mga Taga Roma 10:9, anya, na dapat maniwala sa kanyang
puso na binuhay muli ng Diyos si Jesus mula sa patay.
Kung ang lahat ng mga Kasulatan ay ipagsama ng maayos ,
ang mga mahalagang bagay kasama sa kontribusyon ng tao
para sa kanyang sariling kaligtasan ay mahahanap. Dapat
may kaalaman ang tao, maniniwala sa kanyang puso at
ipahayag sa kanyang bibig. Dapat alam niya, magtiwala at
gagawin ang lahat ng mga bagay na ito.
Hindi
maaaring maniwala ang isang tao mula sa literal puso na
nagbobomba ng dugo sa katawan. Ang puso na kung saan ay
minsan ding tinawag na pinaka-utak ng lahat. Ito ay
isang bahagi ng tao na kung saan ang espirituwal, mental
at emosyonal na mga desisyon ay nagagawa. Mas
makatotohanan kung ating ilarawan ito bilang utak kaysa
yung literal na puso na nagbobomba ng dugo. Ang utak ay
sinabi na sentro ng kontrol ng isang tao. Dito sa sentro
ng kontrol na ito isinusuko ng isang tao ang kanyang
walang hanggang tadhana sa mga kamay ni Jesus. Ang
pagsuko na ito ay nangangailangan ng "kaalaman sa ulo"
at mga resulta sa panlabas na pagpapakita ng "pagtatapat
bilang Hari at Panginoon si Cristo sa kanyang buhay.
Ang
Kaligtasan ay bunga ng Paghaharap
Bukod sa
pakikinig at pagunawa na dapat gawin ng isang tao, dapat
din magsisi para sa mga kasalanan at likas na kasalanan,
at dapat siya ay may pananampalataya. Ang mga bagay na
ito ay nangangailangan ng isang paghaharap. Dapat alam
niya at naiintindihan nang sapat ang tungkol sa Diyos at
tungkol sa kanyang likas na kasalanan upang makita ang
kasamaan ng kasalanan. Ang paghaharap na ito ay dapat
magdulot ng isang matinong desisyon. Ang pagpili ay
isang positibo. Dapat pipiliin niya na aasa kay Cristo
o, ang tanggihan si Kristo at patuloy na umaasa sa
kanyang sarili.
Hanggang
maaaring maunawaan na ng isang bata, magtiwala at
tumanggap ng mga bagay na nakalista bilang bahagi sa
mensahe ng ebanghelyo, hindi niya mararanasan ang
paghaharap ni makakagawa ng desisyon na kailangan sa
kaligtasan. Hanggang siya ay magka edad na at maaaring
magdesisyon pagkatapos ng paghaharap, siya ay iniingatan
sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Hindi pa siya umabot
sa panahon ng pananagutan.
Ang mga
magulang, mga pastor at mga guro ng mga bata ay dapat
magkaroon ng pananalig na alam ng Diyos ang Kanyang
ginagawa. Mahal Niya ang mga bata. Siya ay naglaan ng
probisyon para sa kaligtasan ng lahat. Ang Espiritu ang
humihipo sa tamang panahon. Maging maingat tayo na huwag
pilitin ang mga bata kung wala pa sa tamang panahon, o
hindi pa tapat sa deklarasyon ng pananampalataya.
Pagbabantay
Laban sa pagiging Legalismo
Hindi natin
dapat patawan ng eksaktong regulasyon ang mga bata kung
sila'y nagtatanong patungkol sa kaligtasan. Sa nakalipas
na panahon, itinuturo sa mga bata na sa edad na labing
dalawang taon pa maaaring maligtas. Ngayon ito ay
itinuturing bilang isang maling prinsipyo. Ang ilan ay
naniniwala na ang kanilang pagbabalik-loob nung panahon
ng pagkabata ay hindi tunay maliban kung mayroong tiyak
na aspeto sa emosyonal na matandaan. Ang iba ay
naniniwala na magtiwala lang sa Salita ng Diyos, hindi
sa memorya o emosyon.
Hindi
maaaring bautismuhan ang isang tao bago siya ipinanganak
na muli. Hindi tayo naniniwala sa pagbautismo ng mga
musmos na bata. Subalit, may iilan na nagbabautismo ng
mga musmos na bata. Mahirap sundin ang legalismo habang
sinisigurado natin na ang mga bata ay hindi
mabautismuhan bago ang kaligtasan, kaya dapat sisikapin
natin na magawa ang tama.
Wakas
Ito ay
maaaring makatulong para sa isang magulang na gamitin
ang mga simpleng ilustrasyon upang matulungan ang mga
bata na maiintindihan ang mga konseptong espirituwal.
Ang isang magulang ay maaaring ipaliwanag na ang
pananampalataya ay tulad ng pinatayo ka ng iyong ama sa
mesa at sinasabi sa iyo na tumalon. Bago ka tumalon
iniisip mo kung ano ang mangyayari kung hindi ka niya
saluhin. Pero alam mo na ang iyong ama ay malakas at
tunay na nagmamalasakit para sa iyo. Hindi ka niya
hahayaang bumagsak. Ngayon, nang tumalon ka na, nasa
pangangalaga ka na ng iyong ama. Kung siya ay magkamali,
ikaw ay mapapahamak. Naniniwala ka ba na bibiguin ka ng
iyong ama? Ngayon, naniniwala ka ba na si Jesus ay kaya
kang saluhin at mapangalagaan mula sa impiyerno? Ang
pagtalon ay ang simpleng paghiling sa Diyos na iligtas
ka.
Anong pagpapala
iyon para sa mga magulang na nangunguna para sa
kaligtasan ng kanilang mga anak. Dinisenyo ng Diyos na
ang mga espirituwal na pagsasanay ng mga bata ay isang
responsibilidad ng magulang.
1. Naniniwala kami na ang pagmamahalan sa isa’t-isa gaya
ng pagmamahal ni Jesus sa mga mananampalataya ay
nagpapakita ng aming pagiging alagad, nagpapatunay ng
aming pag-ibig sa Diyos at sumasagisag sa aming
kapangyarihan bilang mga iglesia ng Bagong Tipan. Kaya
ang pag-ibig ang siyang pinaka-dakilang utos ng
Panginoong Jesu-Cristo (Mateo 22:35-40; Juan 13:34,35;
Juan 15:12; I Juan 4:7-21; I Juan 5:1-3; Apocalipsis
2:4,5).
|